Pwede ba kaming magpapaalis ng tenants sa pinamana naming property?
May tatlong magkakapatid, sina Kapatid A, Kapatid B at Kapatid C, parehong may minanang property sa kanilang magulang, hinati sa tatlong parte, at may sariling titulo, Si Kapatid A (panganay na lalaki, matandang binata, walang asawa’t anak), si Kapatid B (pangalawang anak na babae, biyuda, may anak na apat), si Kapatid C (bunso, may asawat anak) lahat ng magkakapatid ay nakatira sa isang lugar.
Si Kapatid B ( pangalawang anak na babae), ay naibenta ang lupa na kanyang pag-aari, at pinatira ni Kapatid A (panganay na anak na lalaki, walang asawa’t anak) ng libre dahil ito ay kapatid na pangalawa, may mga tenants ito (Kapatid A) at pinapaupahan.
Biglaang namatay ang Panganay na Lalaki si Kapatid A, na walang habilin, at inako ng bawat magkakapatid ( Kapatid B at Kapatid C) ang pagbabayad sa amilyar at iba pang bayarin hingil sa llupa
Sumunod naman ang pangalawang Kapatid si Kapatid B, ( pangalawang babae, may anak na apat) ang namatay, naiwan ang mga kargo’t usapin sa lupa at iba pang bayarin sa apat na anak.
Itoy nagawan ng EXTRAJUDICIAL SETTLEMEMT, sa pagitan ng bunsong kapatid, si Kapatid C ( may asawa’t anak, at may sarili ring property), at sa mga anak ni Kapatid B (pangalawang Kapatid babae). Ngunit hindi pa ito nahahati at hindi rin nababayaran ang tax. kung sa upa ito ay iaasa, hindi kakayanin dahil sa liit ng upa ng nasirang Kapatid A.
Ang tanong, gusto ipaayos ng mga naiwan pamangkin ni (Kapatid A) mga anak ni Kapatid B ang bahay, dahil itoy nagmimistulang iskwater at gusto na rin itong gamitin. Umaalma ang mga naiwang tenants, dahil raw ito nakapangalan sa mga kamag-anak ni Kapatid A, kahit na ito ay may EXTRAJUDICIALSETTLEMEMT, ngunit di pa na-transfer dahil sa wala pa itong sapat na pera para bayaran.
Pwede ba silang palisin? Ang mga tenants?
James Heroni
Dear Atty Joanne Almaden,
Good afternoon, mam ask lang po kami ng advice, bumili po ng condo unit ang kaibigan namin, nagbayad po sila ng 20 percent down payment sa seller, at pagkatapos po ay nag loan sila sa bangko para po doon sa remaining balance na 80 percent, yun loan sa banko ay 15 years to pay, nasa 4 years na slang nagbabayad ng loan sa banko, tapos po hindi na nila kayang magbayad dahil sa bumaba daw ang suweldo nila, may habol pa ba sila under maceda law? kapag naka loan na po sa banko ay puwede po bang masakop pa ito ng maceda law? nag email na po kami sa HURLB ng tatlong beses pero hindi po sila sumasagot, siguro po very busy sila, saka tumawag po kami sa HURLB office at wala daw silang time makipag usap on the phone dahil busy sila. paki advise na lang po salamat.